Travel ban sa mga pasaherong mula sa mga bansang may bagong variant ng COVID-19, ipapatupad sa bansa

Inanunsyo ni Health Sec. Francisco Duque III na pagbabawalan muna na pumasok ng Pilipinas ang travelers mula sa mga bansa na may kaso bagong variant ng COVID-19.

Ayon kay Duque, epektibo bukas, December 30 hanggang sa January 15, 2020 ang nasabing travel ban.

Nilinaw naman ni Duque na ang uuwing Overseas Filipino Workers (OFWs) ay exempted sa nasabing travel ban, pero sila ay sasailalaim sa mandatory quarantine sa loob ng dalawang linggo.


Ang nasabing bagong variant ng COVID-19 ay nagmula sa South Africa at kumalat sa United Kingdom.

Nakumpirma na may kaso na rin ng bagong COVID-19 variant sa Denmark, the Netherlands, Australia, Japan, at France.

Facebook Comments