Travel ban sa UK, Portugal, Belgium, America at Indonesia, posibleng ipatupad!

Posibleng ilabas sa susunod na linggo ang desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na magpatupad ng travel ban sa United Kingdom, Portugal, Belgium, America at Indonesia.

Sa interview ng RMN Manila kay Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III, pinag-aaralan na nila ang pagsama ng mga nasabing bansa sa ipinatutupad na travel restrictions kasunod ng mabilis na pagtaas ng kaso ng Delta variant sa mga lugar na ito.

Nabatid na nitong nakaraang araw, sumipa ang kaso ng COVID-19 cases sa Indonesia, kung saan nakapagtala pa ng 21,000 infections nitong linggo.


Kasabay nito, siniguro ni Duque na patuloy ang mahigpit na pagbabantay sa mga border sa bansa.

Samantala, pinalawig naman hanggang July 15, 2021 ng IATF ang travel restrictions sa bansang India, Pakistan, Bangladesh, Nepal, Sri Lanka, Oman at United Arab Emirates.

Facebook Comments