Travel ban sa United Kingdom, pinalawig pa nang dalawang linggo ni Pangulong Duterte

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawig nang dalawa pang linggo sa umiiral na travel ban para sa lahat ng biyahe mula United Kingdom.

Ito ay bilang tugon para maiwasan na makapasok sa bansa ang bagong strain ng Covid-19 na unang na-detect sa UK.

Sa pulong kasama ng Inter-Agency Task Force, inirekomenda ni Presidential Spokesperson Harry Roque kay Pangulong Duterte na dagdagan pa ng dalawang linggo ang pagbabawal sa mga biyahero mula UK na makapasok sa bansa.


Ayon kay Pangulong Duterte, ito ang pinakamabisang paraan para matiyak na ligtas ang Pilipinas mula sa bagong strain ng COVID-19 lalo na’t hindi pa alam kung may mas masamang epekto ito sa isang indibidwal.

Matatandaang ipinatupad ang travel ban noong Disyembre 24 at nakatakda sanang matapos sa Disyembre 31 2020.

Facebook Comments