Travel ban sa US, epektibo na simula ngayong araw

Epektibo na simula kaninang hatinggabi ang ipinatupad na trave ban sa Estados Unidos.

Ayon kay Bureau of Immigration Spokesperson Dana sandoval, pinayagan pang makapasok kahapon ang mga pasaherong dumating na may direct flight mula sa Los Angeles, California.

Hindi pa kasi umiiral kahapon ang bagong travel restrictions na ipinatupad bilang pag-iingat laban sa bagong variant ng COVID-19.


Paglilinaw ni Sandoval, bagama’t pinayagang makapasok sa bansa ay kinakailangan pa rin nilang sumailalim sa striktong 14 na araw na quarantine.

Kasunod nito, papayagan pa rin ang mga Pilipino kabilang ang Overseas Filipino Workers na makauwi ng bansa pero kailangan din nilang mag-quarantine.

Ang U.S ang pinakahuling bansa na isinama sa travel ban matapos na makapagtala ng bagong variant ng virus na nagmula sa United Kingdom.

Facebook Comments