Nag-expire o napaso na umano ngayong March 9, 2023 ang “travel clearance” na ibinigay ng Kamara kay Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr.
Base ito sa dokumento na inilabas ng opisina ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at sa mensahe ni House Secretary General Reginald Velasco.
Nakasaad sa travel clearance na si Teves ay pinayagan para sa kanyang “personal trip” sa Amerika mula Feb. 28 hanggang March 9, 2023.
Wala namang impormasyon sa ngayon ang tanggapan ni Speaker Romualdez kung nasaan na si Cong. Teves.
Magugunitang sa Facebook live kamakailan ni Cong. Teves ay binanggit nya na siya ay nagtungo sa abroad para magpa-stem cell treatment.
Mariin din niyang itinanggi na may kinalaman siya sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.