
Binawi na ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang travel clearance ni Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co.
Inuutusan din siya ni Speaker Dy na bumalik sa Pilipinas sa loob ng 10 araw.
Nakasaad sa liham ni Speaker Dy kay Co na kailangan ang agarang presenya nito sa bansa sa harap ng malalaking usapin na iniuugnay sa kanya.
Binigyang-diin ni Speaker Dy na kapag hindi sumunod si Co ay maaring magresulta sa pagkakasa ng angkop na disciplinary at legal actions laban sa kanya.
Facebook Comments









