Travel consultancy firm na nag-aalok ng pekeng trabaho sa Poland, ipinasara ng DMW

Isinara ng Anti-Illegal Recruitment Branch (AIRB) ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang travel consultancy firm nag-aalok ng mga pekeng trabaho sa Poland.

Ito ay matapos ipag-utos ni Deparment of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Ople ang pagsasara ng IDPLumen Travel Consultancy Services.

Nabatid na naniningil ng ₱122,000 ang naturang travel agency mula sa mga aplikante nito


Kabilang sa mga inaalok nitong trabaho sa Poland ay truck drivers, welder, at factory worker na may buwanang suweldo mula ₱35,000 hanggang ₱124,000.

Gayunman, natuklasan na wala rin itong validated na mga job order sa ibang bansa at wala ring lisensya mula sa POEA para mag operate bilang recruitment agency.

Facebook Comments