TRAVEL COST | Duterte, nagdadalawang-isip sa pagbisita niya Israel at Jordan

Manila, Philippines – Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagdadalawang isip siya na bumisita sa Israel at Jordan dahil sa halaga ng gagastusin sa biyahe nito.

Ayon sa Pangulo, mahal ang gastos kapag bumiyahe.

Nais din ng Pangulo mag-commercial flight, pero hindi ito inirerekomenda lalo at mataas ang posibilidad ng hijacking at matamaan ng missile.


Nabatid na nagdesisyon ang Punong Ehekutibo na sa halip na sumakay ng chartered plane, sa commercial plane siya sumasakay para makatipid ng pondo ng gobyerno.

Bago ito, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na tinanggap ni Pangulong Duterte ang imbitasyon ni Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu na makabisita sa Israel mula Setyembre 2 hanggang 5, pagkatapos ay tutungo ang Pangulo sa Jordan sa kasunod na buwan.

Facebook Comments