Travel Guidelines for Beginners

Napakasaya mag-explore sa iba’t ibang lugar para sa mga bagong experiences at adventure pero may mga bagay kang dapat paghandaan bago ka pumunta sa iyong target destination.
SAAN AT KAILAN MO GUSTONG PUMUNTA
Ilista ang mga lugar na gusto mong puntahan. Pagkatapos ay piliin mo at pakiramdaman kung alin sa mga nailista mong lugar ang pinaka nagpapa-excite sa’yo. Magandang i-consider mo rin kung ano ang magandang season sa lugar na pupuntahan mo para sulit ang gastos mo. Siyempre, isipin din kung anong schedule mo para wala kang mapapabayaang lakad o trabaho.

MAKAKILALA NG TAGA-IBANG BANSA
Kasama ba sa plano mo ang makakilala ng mga tao sa biyahe mo? Kung oo, piliin mo ang mga lugar na accomodating ang mga tao. Kasama rin dito ang pag-aralan mo ng kaunti ang lenggwahe nila ng hindi ka gaanong mahirapan sa pakikisalamuha at pakikipag-usap sa kanila.
PAG-IIMPAKE
Importante ang mag impake ng kaunting bagahe. Ang mga bagay na sobrang importante lang ang dapat mong dalhin. Mula sa toiletries, kaunting damit na pwede mong i-mix and match at gadgets. Huwag magdala ng hindi naman kailangang gadgets. Tandaan, marami ng internet cafe saan mang sulok ng mundo. Kung balak mo namang mag-aral, pwede mong dalhin ang laptop mo.
BIYAHE
Ang kagandahan sa pagta-travel mag-isa ay hindi mo kailangan ng opinyon ng iba kapag gusto mong magpalit ng destinasyon kahit last minute. Kailangan mo lang i-consider kung aling mode of transportation ka mas komportable.
SAFETY
Ito ang pinakakinatatakutan ng marami sa pag-travel. Pero hindi naman mahirap ang pananatiling ligtas habang nag e-enjoy ka sa mga pinupuntahan mong lugar. Una, ipaalam mo sa pamilya mo kung nasaan ka at ilista mo ang mga lugar na pinupuntahan mo sa maliit na notebook o sa iyong phone. Pangalawa, huwag magbitbit ng mga mamahaling gamit at huwag magsuot ng mga gamit na nakakaakit sa mata dahil baka ma snatch-an ka at laging dalhin ang mga importaneng gamit. Pangatlo, paghiwa-hiwalayin ang mga pera. Dalhin mo lang yung perang magagastos mo. Picturan mo rin ang mga passport, bank cards, identificaion cards, at isend sa sarili at pamilya para in case mawala ay may proof ka.

Article written by Melody Ruth M. Lacson

Facebook Comments