TRAVEL MOTION | MNLF Founding Chairman Nur Misuari, hiniling ang kalayaan sa Sandiganbayan

Manila, Philippines – Hiniling ni Moro National Liberation Front (MNLF) Founding Chairman Nur Misuari sa Sandiganbayan third division na payagan siyang makalabas ng bansa sa susunod na buwan.

Sa limang-pahinang travel motion, sinabi ni Misuari na bibiyahe siya sa Dhaka, Bangladesh simula May 2 hanggang 10 para magsalita sa 45th Session of the Council of Foreign Ministers Meeting of the Organization of Islamic Cooperation (OIC).

Bagaman gaganapin ang meeting ng OIC council sa May 5 at 6, hindi binanggit ni Misuari ang kanyang itinerary sa mga araw bago at pagkatapos ng session.


Si Misuari ay nahaharap sa tig-dalawang bilang ng kasong graft at malversation through falsification kaugnay ng umano’y maanomalyang pagbili ng educational materials na nagkakahalaga ng P115.2 million noong gobernador pa ito ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Facebook Comments