Niluwagan pa ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga umiiral na health protocols para sa mga Pilipino at foreign nationals na papasok sa bansa, simula sa May 31.
Sa ilalim ng IATF Resolution No. 168, ang fully vaccinated na mga Pilipino at dayuhan na may edad 18 pataas, at may booster dose, ay hindi na kailangang mag-comply sa pre-departure testing requirement tulad ng pagsusumite ng negatibong COVID test result.
Exempted naman dito ang mga fully vaccinated na 12 -17 years old.
Hindi rin kailangang magsumite ng COVID test negative result ang mga bata na 12 taong gulang pababa.
Nilinaw naman ni Communications Usec. Kris Ablan, na dapat pa ring magpresinta ang international travelers ng proof of vaccinaton na kinikilala ng IATF.
Bukod sa travel requirements na visa at immigration entry at departure formalities, para sa foreign nationals.
At dahil hindi na nila kailangang mag-facility-based quarantine, pinapayuhan ang mga ito na magself-monitor sa loob ng pitong araw.
At para naman sa mga hindi pa nakakatanggap ng booster dose, kailangan pa rin ng mga ito na magpresinta ng negatibong RT-PCR test result na isinagawa 48 oras bago ang departure o di kaya ay negatibong rapid antigen test result na ginawa , 24 na oras bago ang departure sa bansang kanilang pagmumulan.
Ang mga unvaccinated, partially vaccinated, o mga indibidwal na hindi matukoy ang vaccination status, kailangang tumalima sa pre-departure testing requirement ang mga ito mula sa bansa na kanilang panggalingan.
Required rin ang mga ito na sumailalim sa facility-based quarantine, at COVID test sa ikalimang araw.
Samantala, ang mga Pilipinong 12 – 17 years old na hindi pa bakunado laban sa COVID-19, dapat na sundin ng kanilang guardian ang quarantine protocols
Habang ang mga dayuhang bata na may edad 12 -17 na anak ng Pilipino, ay dapat na sumunod sa protocols ang mga ito base sa kanilang vaccination status