Travel restriction na ipinataw kay Maria Ressa, pinapaalis na ng UN para tanggapin ang Nobel Prize award sa Norway

Hinimok ng United Nations (UN) ang Pilipinas na payagan nang makabiyahe sa Norway ang journalist na si Maria Ressa para tanggapin ang award nito sa Disyembre 10.

Ito ay matapos magwagi si Ressa ng kauna-unahang Nobel Prize award kasama ang Russian investigative journalist na si Dmitry Muratov.

Ayon kay Stephane Dujarric, tagapagsalita ni UN Secretary-General Antonio Guterres, ‘very concerned’ ang United Nations dahil sa travel restriction na ipinataw kay Ressa.


Pinababawi naman ito ng UN para malaya nang makalipad ang mamamahayag patungong Norway.

Nauna nang naghain ng request si Ressa na payagan na itong umalis ng bansa ngunit hindi pa ito aprubado.

Kasalukuyang nahaharap si Ressa sa kasong tax evasion.

Facebook Comments