Travel restriction ng Amerika laban sa Pilipinas, bahagyang pinaluwag

46

Pinaluwag na ng Estados Unidos ang umiiral na travel restriction sa Pilipinas.

Mula sa “level 4” ay ibinaba na ng Amerika ang alerto laban sa bansa sa level 3 kung saan pinapayagan na mag-travel ang kanilang mamamayan sa Pilipinas.


Pero sa kabila nito ay pinayuhan pa rin ng Amerika ang kanilang mga mamamayan na ikonsidera pa rin ang pagbisita sa bansa dahil sa COVID-19 situation.

Hinihikayat din ng Estados Unidos ang kanilang mga mamamayan na tiyaking fully vaccinated na sila bago bumisita sa Pilipinas.

Facebook Comments