Pinaghahanda ng OCTA Research ang Pilipinas laban sa Lambda variant na umano’y mas nakakahawa at mas nakamamatay.
Sa interview ng RMN Manila kay UP-OCTA Research team Fellow Prof. Ranjit Rye, ipinanukala nito sa pamahalaan na rebisahin ang ipinapatupad na travel restriction sa mga bansa na may kaso ng Lambda variant.
Ayon kay Rye, hindi dapat magpakakumpiyansa ang pamahalaan at mas higpitan pa ang mga ipinapatupad na border control at minimum public health protocols.
Sinabi ni Rye na kahit bakunado na ay dapat pa ring mag-ingat ang publiko laban sa bagong variant.
Hinimok din nito ang mga lokal na pamahalaan na may pantalan na sundin ang iisang protocol upang maiwasan pa ang pagpasok ng mga variant sa bansa.
Facebook Comments