Travel restriction, posibleng ipatupad din sa mga OFW – DOLE

Hindi inaalis ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang posibilidad na isama ang mga overseas Filipino workers sa pagbabawalang pumasok sa Pilipinas lalo na kung galing sa mga bansang may kumpirmadong kaso ng bagong COVID-19 variant.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang bagong COVID variant ay mabilis na kumakalat at ikinababahala ito ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Pero sinabi ni Bello na pag-aaralan pa lamang nila ang posibilidad na ito.


Sa ngayon, wala pa silang natatanggap na may OFW nang tinamaan ng bagong strain ng virus.

Ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ay nababahala sa posibleng pagkulang ng quarantine facilities dahil ang mga pauwing OFWs ay kailangang kumpletuhin ang mandatory 14-day quarantine.

Sa ngayon, nasa 21 bansa na kasama sa travel restrictions ng Pilipinas para mapigilan nag pagpasok ng COVID-19 variant.

Facebook Comments