Inanunsyo na rin ng Department of Health (DOH) ang agarang pagpapatupad ng travel restrictions sa mga travelers mula sa North Gyeongsang Province sa South Korea.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, ito ang napagkasunduan sa ika-8 pagpupulong ng Inter-Agency Task Force (IATF) kanina.
Ang mga papayagan lamang na makabiyahe patungong South Korea ay ang mga OFW na pabalik doon, mga permanent residents at iba pang mga may opisyal na lakad sa naturang bansa basta’t mayroong declaration na naiintindihan nila ang risk o ang panganib na dala ng COVID-19 sa naturang bansa.
Masusing pinag-aaralan ang mga asymptomatic patients na kalaunan ay naging positibo sa COVID-19
Ayon kay Secretary Duque, lahat naman ng mga Pinoy repatriates na galing sa Diamond Princess ay sinuring mabuti at negatibo ang lahat ng ito sa anomang sintomas ng virus.
Nilinaw naman ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang mga travellers mula sa South Korea, partikular ang mga galing sa Daegu City, mula sa Gyeongsang Province, bawal na magtungo dito sa Pilipinas.
Ang mga travelers na galing sa ibang parte ng South Korea ay papayagan namang makapasok ng Pilipinas basta’t mayroong certificate na sa nakalipas na 14 na araw at hindi sila nanggaling sa North Gyeongsang.