Travel restrictions laban sa mga bansang may kaso ng bagong COVID-19 variant, posibleng i-lift ng pamahalaan

Inihayag ng Malacañang na maaring tanggalin ng Pilipinas ang travel restrictions na ipinatupad para sa mga bansang may kumpirmado ng bagong COVID-19 variant.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito ay sakaling hindi mapuno ang mga ospital ng mga bagong pasyente na infected noong holiday season.

Aniya, handa namang gamutin sa mga ospital ang mga magkakasakit, kapag lumabas na walang surge dahil sa Pasko at Bagong Taon.


Giit ni Roque, kakaunti lang naman ang mga dayuhan na pinapayagang makapasok at ito ay ang mga treaty traders at visa holders ng mga economic zones, habang bawal pa rin ang mga turista.

Ang travel ban ay ipinatupad laban sa 27 bansa mula noong December 22, 2020 hanggang January 15, 2021

Habang epektibo naman ngayong araw, January 8, 2021 hanggang sa Jan. 15, 2021 ang travel ban sa anim pang bansa na kinabibilangan ng Portugal, India, Finland, Norway, Jordan, at Brazil.

Hindi pa rito kasama ang China sa kabila ng reports na nakaabot na sa Mainland ang bagong COVID-19 variant.

Facebook Comments