Travel restrictions na ipinatutupad sa 10 bansa, pinalawig pa hanggang Agosto 15

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force na palawigin ang umiiral na travel restrictions na ipinatutupad sa 10 bansa.

Ito ay bilang pag-iingat pa rin natin sa posibleng pagkalat ng COVID-19 Delta variant kung saan umabot na sa 216 ang naitala ng Department of Health hanggang kahapon.

Sa anunsiyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque kanina, tatagal ang travel restrictions hanggang sa Agosto 15.


Bukod diyan, inaprubahan din ng IATF ang listahan ng mga tinatawag na green countries at territories o yung mga lugar na mabababa ang kaso ng COVID-19.

Ang mga magmumula mga bansang nasa green countries ay magkakaroon ng mas maikling quarantine period pagdating sa Pilipinas.

Facebook Comments