Travel restrictions ng Pilipinas sa 10 bansa, pinalawig hanggang August 31

Pinalawig pa ng Pilipinas ang travel restriction nito sa 10 bansa sa harap ng nagpapatuloy na banta ng Delta variant.

Kaugnay nito, hindi pa rin papayagang makapasok sa bansa hanggang August 31, ang mga biyahero mula:

 India
 Pakistan
 Bangladesh
 Sri lanka
 Nepal
 United Arab Emirates
 Oman
 Thailand
 Malaysia
 Indonesia


Bukod dito, inaprubahan din ni Pangulong Rodirgo Duterte ang request ng mga airlines na ibalik ang kanilang international transit hub operations.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, limitado lamang ito sa airside transfers sa pagitan ng Terminal 1 at 2 at sa loob ng Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA); at sa mga bansa o teritoryong nasa green list gaya ng Australia, China At Taiwan.

Facebook Comments