Travel restrictions sa 10 bansa, tinanggal na ng pamahalaan

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na tanggalin na ang travel restrictions sa India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, Oman, Thailand, Malaysia at Indonesia simula sa Lunes, September 6, 2021.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, ang mga international traveler na magmumula sa mga nabanggit na bansa ay dapat tumalima sa nararapat na quarantine protocols depende approved listing ng isang bansa.

Maliban kasi sa green list, inaprubahan ng IATF ang pagkakaroon ng “yellow” at “red” classifications.


Itinuturing ang isang bansa na nasa “yellow list” kapag moderate risk ang kaso.

Ang mga inbound international traveler na galing sa yellow list kahit sila ay fully vaccinated ay sasailalim sa 14-day quarantine upon arrival.

10 araw sa quarantine facility habang ang natitirang 4 na araw ay home quarantine at pagsalang sa RT-PCR sa ika-7 araw.

Ang mga magmumula naman sa “red list” o high risk countries ay sasailalim sa 14-day quarantine upon arrival.

10 araw sa quarantine facility habang ang natitirang 4 na araw ay home quarantine at pagsalang sa RT-PCR sa ika-7 araw.

Habang ang in-transit passengers na dumaan sa mga nabanggit na red countries ay sakop na rin ng quarantine protocols.

Facebook Comments