Travel restrictions sa mga papasok sa bansa mula sa India, dapat agad ipatupad

Umapela si Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go sa gobyerno na pag-aralan ang posibleng pagpapatupad ng travel restrictions sa mga papasok mula sa India sa lalong madaling panahon.

Ito ay sa harap ng bagong variant ng COVID- 19 na nananalasa ngayon sa India.

Ipinaliwanag ni Go na habang sinusubukan nating masolusyunan ang pagtaas ng mga kaso ng COVID- 19 sa Pilipinas, ay dapat din nating bantayan ang mga pangyayari sa ibang parte ng mundo para hindi ito mas lalong makaapekto sa kasalukuyang sitwasyon sa loob ng ating bansa.


Kailangan aniyang palaging i-review ang existing border controls at paigtingin lalo ang mga travel restrictions, guidelines, timelines at exemptions na ipinapatupad natin.

Maliban dito, ay sinabi ni Go na mahalaga ding paigtingin ang mga hakbang ng gobyerno kontra COVID-19, katulad ng mas mabilis na vaccination roll-out, targeted testing, contact tracing, at iba pa.

Bagama’t patuloy ang pagbabakuna, pinayuhan naman ni Go ang publiko na huwag magkumpyansa, sumunod sa health protocols at huwag sayangin ang lahat ng mga sakripisyo simula noong nakaraang taon.

Facebook Comments