Manila, Philippines – Naglabas ngayon ng mahahalagang panuntunan o travel tips ang Manila Police District (MPD) sa mga magbibiyahe o magbabakasyon sa mga lalawigan at iba pang lugar sa harap na rin ng ginugunitang mahal na araw.
Ayon kay MPD Spokesman Superintendent Erwin Margarejo, na ngayong panahon ng kuwaresma, kabilang din sa mga magtitika at magninilay ang mga alagad ng batas gaya ng mga pulis.
Pero tiniyak ni Margarejo na kahit na kuwaresma ay nananatiling nasa ilalim pa rin ng full alert status ang Manila Police District (MPD).
Ingatan ang dalang tickets at pasaporte, iwasan ang pagsusuot ng alahas at pagdadala ng mga gadgets lalo na yaong mamahalin.
Kailangan aniya na kaunting gamit lamang ang gamitin o dalhin upang hindi gaanong maging sagabal sa pagbibiyahe.
Paalala ni Margarejo sa mga bakasyunista laging dalhin ang ID, alamin ang first aid station at ang police assistance desk.
Tiniyak ni Margarejo na mananatiling nagpa-patrol ang MPD lalo na sa mga lugar ng sambahan, Cathedral para mabantayan ang mga magbibisita Iglesia.