‘TRAYDOR’ | NPA, tinawag na traydor ng Malacañang

Manila, Philippines – Galit ang Palasyo ng Malacañang sa pag-atake ng teroristang Grupong NPA sa humanitarian mission ng AFP para mabigay ng relief goods sa mga nabiktima ng Bagyong Urduja.

Dalawang sundalo kasi ang sugatan matapos ma-ambush ng NPA ang convoy ng mga sundalo na maghahatid sana ng relief goods sa Northern Samar.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, patunay lamang ito na talagang traydor ang CPP-NPA at hindi talaga mapagkakatiwalaan at ito aniya ay isang malinaw na war crime.


Paliwanag ni Roque, ang pag-atake ng teroristang NPA sa mga sundalo at malinaw na paglabag sa International Humanitarian Law dahil nasa akto ng paggawa ng humanitarian Mission ang mga militar ng ito ay atakihin.

Samantala, inihayag naman ni Roque na nakarating na ng lalawigan ng Biliran ang unang relief goods na mula sa National government sakay ng mga helicopters mula sa Tacloban City.

Inaabangan na ngayon ang pagdating ng Pangulo sa Biliran at nandoon na si Roque para personal na alamin din ang kalagayan ng mga residente at tugunan ang mga pangangailangan ng mga ito.

Facebook Comments