Traysikel Drayber, Arestado sa Pagbebenta ng Droga!

Cauayan City, Isabela- Bagsak sa kulungan ang isang traysikel drayber matapos itong matiklo sa pagbebenta ng droga sa Brgy. Gayong, Cordon, Isabela.

Pasado alas 12:00 kaninang madaling araw nang isagawa ang drug buybust operation sa suspek na si Edgar Bugarin, 42 anyos, may asawa at residente ng Tanggal, Cordon, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), nabentahan ni Bugarin ng isang (1) heat sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu ang isang pulis na nangpanggap na bumibili ng droga.


Nagresulta ito sa pagkakaaresto ng suspek at nakuha sa pag-iingat nito ang Php500.00 na buybust money.

Dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments