Traysikel Drayber, Huli sa Iligal na Droga!

Santiago City, Isabela- Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isang Newly Identified na tsuper matapos mahulog sa ikinasang Drug Buy Bust Operation ng Kapulisan bandang alas kwatro ngayong hapon, Hunyo 11, 2018 sa Brgy. Calaocan, Santiago City, Isabela.

Ang nadakip ay kinilalang si Jimmy Boy Agcaoili, 19 anyos, walang asawa, traysikel drayber at residente ng Brgy. Tramo Malvar, Santiago City.

Batay sa ipinarating na impormasyon ng Santiago City Police Station 1, si Agcaoili ay nadakip matapos matiklo ng mga operatiba na nagbebenta ito ng iligal na droga sa isang pulis na nagpanggap bumili.


Nakuha mula sa supek ang isang sachet ng hinihinalang shabu at limang daang pisong buy bust money.

Nasa kustodiya na ng Santiago City Police Station 1 ang suspek na mahaharap sa kanyang kaukulang kaso.

Facebook Comments