Traysikel Drayber na Nahulian ng Marijuana Sa Santiago City, Arestado

78

Arestado ang isang traysikel drayber matapos itong makuhan ng marijuana sa isinagawang buy bust operation sa brgy. Nagassican Santiago City.

Kinilala ang suspek na si Henry Gutierez, 43 anyos, may asawa, traysikel drayber at residente ng naturang lugar.


Sa exclusibong pagsaksi ng RMN Cauayan sa ginawang pagsisisyasat ng mga otoridad ay nakuha mula sa kanya ang isang sachet ng tuyong dahon ng marijuana na may fruiting tops kapalit ng 300 pesos na ginamit na buybust money.

Dagdag pa rito ay napag alaman pa na ang suspek ay inewly identified sa listahan ng mga otoridad.

Agad naman itong dinala sa kustodiya ng kapulisan at ngayon ay handa na ang mga dokumetong gagamitin para sa kaso nitong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments

From Advertisers