Cauayan City, Isabela- Pinapaalalahanan ni POSD Chief Pilarito “Pitok” Malillin ang lahat ng mga traysikel drivers na namamasada dito sa Lungsod ng Cauayan na huwag tumanggi at mamili ng mga isinasakay na pasahero.
Sa ating panayam kay POSD Chief Mallillin, nakumpirma aniya nito sa kanyang mismong karanasan na mayroon pa ring drayber na namimili at tumatanggi ng pasahero.
Bukod pa aniya ito sa kanilang natatanggap na reklamo mula sa mga nakaranas na commuter.
Sinabi nito na hindi makatwiran at hindi nila pinahihintulutan ang ginagawang pagtanggi at pagpili ng mga tsuper sa mga pasahero.
Kaugnay nito, binabalaan ni Mallillin ang mga namamasada na maging patas sa mga commuter at huwag nang hintayin na maireklamo at mabigyan ng kaukulang parusa.
Payo naman nito sa mga namamasada na kailangang irespeto ang mga pasahero at singilin lamang sila ng tamang pamasahe.
Facebook Comments