Traysikel Drayber, Timbog sa Buy Bust Operation sa Reina Mercedes!

Reina Mercedes- Natimbog sa ikinasang buy bust operation ang isang lalaki matapos itong maaktohang nagbebenta ng ipinagbabawal na droga sa Brgy. Tallungan, Reina Mercedes, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Inggo Guillermo, 43 anyos,may-asawa, traysikel drayber at residente ng brgy. San Rafael Roxas, Isabela.

Batay sa natanggap na impormasyon ng RMN Cauayan, huli umano sa akto ang suspek matapos nitong bentahan ng ipinagbabawal na shabu ang isang nagpanggap na bibili.


Samantala, nakuha naman mula sa kanyang pag-iingat ang tatlong transparent sachet ng shabu, isang piraso ng 500 pesos na ginamit bilang buy-bust money, dalawang piraso ng 20 pesos, isang COMELEC ID, isang unit ng cellphone at isang balisong.

Agad namang dinala sa himpilan ng kapulisan ang naturang suspek para sa kanyang kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments