TRB, aminadong nagdulot ng matinding bigat ng trapiko sa toll plazas ang pagpapatupad ng contactless toll collection system

Aminado ang Toll Regulatory Board (TRB) na nagkakaroon ng pagsisikip ng trapiko sa toll plazas kasabay ng unang araw na pagpapatupad ng contactless toll collection system.

Ayon kay TRB Executive Director Abraham Sales, nagkakaroon ng paminsan-minsang aberya sa sistema sa first day ng implementation.

Pero tiniyak din ni Sales na patuloy silang nakikipag-coordinate sa toll operators gaya ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) at San Miguel Corporation para sa maayos na pagpapatupad ng programa sa loob ng transition period mula December 1 hanggang January 11.


Mula nitong December 1, ang overall cashless payment rate sa mga toll na pagmamay-ari ng MPTC ay nasa 83% habang 99% sa panig ng SMC.

Inaasahang tataas pa ang bilang na ito dahil patuloy ang pagkakabit ng RFID stickers sa mga susunod na buwan.

Facebook Comments