Sinimulan na ngayong araw ang dry- run ng cashless collection para sa mas maraming toll plaza sa North Luzon Expressway (NLEX) mula sa ikalawang batch ng dalawang buwang dry run.
Ayon sa Toll Regulatory Board (TRB) ng Department of Transportation (DOTr), ang nasabing dry run ay isang “necessary procedure” upang matiyak na handa ang mga tollway concessionaire at operator ng mga expressway sa muling pagpapatupad ng programa.
Kung saan ilan lamang sa mga piling toll plaza ang lalahok sa dry run na ipinatupad.
Ang mga toll plaza na hindi kasama sa dry-run ay mangongolekta ng mga toll fee sa pamamagitan ng radio frequency identification o RFID lane at cash lane.
Samantala, ang pagbabayad ng cash ng mga toll fee ay pinapayagan pa rin ngayon kahit may dry run ngunit hinihikayat ang mga motorista na lumipat sa RFID para sa mas mabilis na transaksyon sa toll plaza.
Matatandaan na isinagawa rin ang dry run sa unang araw ng Setyembre ng kasalukuyang taon at naging matagumpay ang pagpapatupad nito.