TRB Executive, walang balak na magbitiw sa kabila ng tirada ni Pangulong Duterte

Walang balak sa ngayon na magbitiw sa pwesto si Toll Regulatory Board (TRB) Executive Director Abraham Sales.

Ito ay sa kabila ng tirada ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga tauhan ng TRB na tinawag niyang “incompetent” at bantang pagsibak sa mga ito.

Ayon kay Sales, mayroon naman silang ‘delicadeza’.


Pero aniya, hindi ito ang tamang panahon para iwan ang kanyang trabaho lalo’t hindi pa nareresolba ang mga isyu sa implementasyon ng cashless transaction sa mga tollway sa Luzon.

Dagdag pa niya, bagama’t limitado ang resources ay todo-todo pa rin ang pagtugon ng kanilang mga tauhan sa mga problema sa RFID system.

Facebook Comments