TRB, nakikitang kumikilos ang mga toll operator para ayusin ang mga problema sa contactless collection system

Sinisikap ng mga toll operator na ayusin ang mga problema sa pagpapatupad ng contactless toll collection system.

Matatandaang sinuspinde ng Valenzuela City Government ang business permit ng NLEX Corporation dahil sa matinding trapikong idinulot ng pagpapatupad ng cashless payment sa mga toll plaza na sakop ng lungsod.

Sa interview ng RMN Manila kay TRB Executive Director Abraham Sales, inatasan nila ang mga toll operator na agad ipatupad ang mga solusyon sa problema sa radio frequency identification (RFID) system.


Pagtitiyak din ni Sales na maari rin nilang ipataw ang sanctions laban sa mga ito kabilang ang pagbawi ng toll operation permit o certificate, na dadaan naman sa due process.

Iginiit din ni Sales na inasahan ng mga toll operator ang mga magiging problema kabilang na rito ang mga depektibong RFID stickers at palyadong reader o makinang nagbabasa o nagsa-scan ng RFID.

Patuloy aniya na ina-upgrade ng mga toll operator ang kanilang sistema.

Sa interview ng RMN Manila kay NLEX Corporation Senior Vice President Atty. Romulo Quimbo, na hindi kailangan ng ‘special skill’ ang pagkakabit ng RFID pero may ilang motorista kasi na sa maling lugar ng sasakyan idinidikit ang sticker.

Gayumpaman, nilinaw ng TRB na patuloy pa ring tumatanggap ng cash ang mga toll plaza habang nireresolba ang mga gusto sa implementation ng RFID.

Facebook Comments