TRB, pumasok na sa imbestigasyon sa nangyaring aksidente sa Skyway extension project

Manila, Philippines – Pinagsusumite ng Toll Regulatory Board (TRB) ang Citra Central Expressway Corporation (CCEC) ng incident report kaugnay ng pagguho ng beam sa Skyway project 3 sa Osmeña Highway, Makati City kahapon.

Ayon kay TRB spokesman Albert Suansing, Aalamin din nila kung ang DM Consunji. Inc., (DMCI) na siyang contractor sa Skyway extension project ay mayroong nakatalagang safety officer sa site nang mangyari ang aksidente.

Sinabi ni Suansing na aalamin din nila kung nasunod ang construction protocols sa proyekto habang ina-assemble ang rebars.


Sa naturang aksidente, limang construction workers ang nasaktan, dalawang sasakyan ang napinsala at nagdulot ito ng matinding perwisyo sa mga motorista.

Facebook Comments