CAUAYAN CITY – Isinagawa ng Department of Public Works and Highways Regional Office 2 (DPWH-RO2) kasama ang 11 District Engineering Offices (DEOs) ang isang tree planting activity bilang bahagi ng selebrasyon ng 126th Founding Anniversary ng Kagawaran.
150 seedlings ng Narra, Tuai, Ipil, at Guyabano ang itinanim ng Regional Office sa Area Equipment Service (AES) Compound at Unified Project Management Office (UPMO) na parehong matatagpuan sa Lingu, Solana, Cagayan.
Samantala, ang 11 DEOs ay nagtanim rin ng iba’t ibang fruit-bearing trees at Philippine native tree species sa kanilang mga nasasakupan.
Binigyang-diin ni Regional Director Reynaldo C. Alconcel na makatutulong ang pagtatanim ng puno upang mabawasan ang greenhouse gases emmision at climate change.
Ang mga seedlings na ginamit para sa aktibidad ay mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).