TREE PLANTING AT COMMUNITY OUTREACH PROGRAM, ISINAGAWA KASABAY NG ANIBERSARYO NG PSBRC CLASS 2006-02 "SANDALAN"

Cauayan City, Isabela- Bilang bahagi ng selebrasyon sa ika-16th na anibersaryo ng PSBRC Class 2006- 02 Class Sandalan, nagsagawa ang mga kapulisan ng Tree Planting at Community Outreach Program sa bayan ng Iguig, Cagayan at Roxas, Isabela.

Matagumpay naman itong ipinagdiwang na may temang: ” Kaagapay ng SAmbayanan na layuNing maihatiD Ang serbisyong tApat tungo sa kaunLAran at kapayapaaN ng komunidad”.

Sama-samang nagtatanim ng puno ang ilan sa mga miyembro ng Class Sandalan sa Brgy. Campo, Iguig, Cagayan kasama si PBGen Romualdo Bayting, Deputy Regional Director for Administration.

Isinagawa naman ang Tree Planting activity sa San Placido, Roxas, Isabela na dinaluhan ng iba’t-ibang indibidwal mula sa iba’t-ibang hanay ng ahensya at pribadong sektor.

Sa isinagawang Community Outreach Program, namahagi ang grupo ng mga relief packs, tsinelas at nagsagawa ng feeding program sa Purok 3, Rizal, Roxas, Isabela.

Labis naman ang pasasalamat at tuwa ng nasa 147 katao na naging benepisyaryo sa naturang aktibidad.

Facebook Comments