Tree Planting, Isinagawa ng LGU Ilagan!

*Cauayan City, Isabela- *Nagsagawa ng tree planting at clean up drive ang lahat ng mga empleyado ng pamahalaang lokal ng Ilagan sa pangunguna ni City Mayor Jay Diaz.

Nagsimula kaninang alas siyete ng umaga ang naturang aktibidad sa tabi ng ilog sa Barangay Baculod na dinaluhan ng mga empleyado ng Local Government Unit ng nasabing siyudad.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Paul Bacungan, PIO ng lungsod ng Ilagan, itoy bahagi sa selebrasyon ng Civil Service Month bilang pakiisa ng mga empleyado sa naturang programa.


Ang bawat empleyado ay mayroong tig-tatlong puno ng Mahogany o Narra na itinanim.

Ayon kay SP Member Jay Eveson Diaz, sa mga darating na araw ay nakatakda rin magtanim sa gilid ng ilog ng puno ng kawayan upang mas lalong mapigilan ang pagtibag ng lupa.

Facebook Comments