TREE PLANTING ISINAGAWA NG RESERVIST SA BAYAN NG BAYAMBANG

Ang mga opisyal ng Barangay Amancosiling Norte sa Bayan Ng Bayambang katuwang ang Alpha Company Ng 104th Reserve Battalion ng Philippine Army ay nagsagawa ng Isang Aktibidad sa Pagtatanim Ng mga puno kahapon, Marso 7 sa River Cruise Site sa lugar ng Amancosiling Norte.
Ang mga nasabing opisyal Ng nasabing barangay at Reservist ay nagtulong tulong sa pagtatanim ng ibat ibang klase ng mga namumungang puno sa may dike.
Tinalang nasa 85 na punla Ang natanim ng grupo sa naturang Barangay.

Samantala, inaasahan na ang mga natanim na puno ay magiging kapakipakinabang sa bagong tourist attraction na itinatag ng Bayambang Millennial Innovators. Ang nasabing bagong tourist attraction sa nasabing bayan ay Ang Bayambang River Cruise. |ifmnews
Facebook Comments