TREE PLANTING | Mga residential at commercial buildings, hinihimok sa pagtatanim ng mga puno

Manila, Philippines – Pasado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukala para sa pagtatanim ng puno ng mga planong magtayo ng residential, commercial industrial at public buildings.

Sa ilalim ng House Bill 7373 o “Green Building Act”, lahat ng aplikante para sa building permit ay kailangang magsumite ng tree planting plan bukod pa sa ibang dokumento na kinakailangan para maproseso ang kanilang aplikasyon.

Layon ng panukala na pangalagaan ang kalikasan at ang karapatan ng bawat mamamayan sa balanced at healthful ecology.


Bukod pa ito ay makatutulong ma-mitigate ang epekto ng climate change at ma-preserve ang kalikasan para sa mga susunod na henerasyon.

Facebook Comments