Trend ng COVID-19 cases sa NCR Plus, bumabagal – OCTA Research

Napapansin ng OCTA Research Group na patuloy ang downward trend ng COVID-19 cases sa NCR Plus.

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Butch Ong, ang reproduction number sa Metro Manila ay bahagyang tumaas sa 0.69, mataas sa 0.5 na naitala noong nakaraang linggo.

Ibig sabihin, bumabalik sa 7,000 hanggang 8,000 ang average new cases ang nairerekord kada araw.


Nangangahulugan lamang na hindi pa stable ang trend ng kaso sa NCR plus dahil maaari pa ring tumaas ang kaso.

Mungkahi ng OCTA Research, panatilihin ang pagsunod sa health standards, at palakasin ang vaccine rollout sa metro provinces at iba pang siyudad sa mga lalawigan.

Facebook Comments