Nagkaroon ng bahagyang pagtaas sa naiitalang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.
Ito ang inihayag ng OCTA Research Group kung saan bagama’t nananatili anila sa flat ang overall trend sa Pilipinas ay umakyat naman sa 1.13 ang reproduction number sa National Capital Region.
Anila, sa loob ng isang linggo ay nasa 430 bagong kaso ang naiitala kada araw na mas mataas ng 16 percent mula sa 360 bagong kaso kada araw.
Hindi rin isinasantabi na isa sa posibleng dahilan ng pagtaas ng kaso ang ibang COVID-19 variant at ang nakalipas na pagdiriwang ng Chinese New Year at Valentine’s Day.
Samantala, bahagya namang bumagal ang trend ng COVID-19 sa Cebu pero nananatili sa halos 200 ang naiitalang kaso kada araw sa nakalipas na isang linggo.
Facebook Comments