TRENDING | 12 year old Australian boy na nagpaalam lang na papasok sa school, nakarating na pala sa Bali, Indonesia

Australia – Usap-usapan ngayon ang isang 12-year old na lalaki mula Sydney, Australia na nagpaalam lang na papasok sa school pero nakarating na pala nang mag-isa sa Bali, Indonesia!

Kwento ni Drew, hindi niya totoong pangalan naisipan niyang magbakasyon sa Bali para magpalamig ng ulo matapos silang magtalo ng kanyang ina.

Nakarating siya sa Bali, bitbit lang ang isang backpack at ang ninakaw niyang credit card ng kanyang magulang.


Naisahan ni Drew ang mga airport officials matapos na magpakita lang ng valid passport, student ID at sulat mula sa kanyang mga magulang gamit ang pekeng pirma.

Pagkarating ng Bali, nag-book siya sa isang hotel, namasyal at sinulit ang apat na araw na bakasyon.

Ligtas din namang nakabalik ng Australia ang bata pero nakaramdam daw siya ng konting pagkahiya dahil sa idinulot niyang gulo at sakit ng ulo lalo na sa mga magulang niyang nag-alala raw ng sobra.

Hindi pa kasama rito ang nilustay niyang 8,000 australian dollars o katumbas ng mahigit P300,000.

Facebook Comments