TRENDING | Bahay ng Indonesian family na biggest fan ni Doraemon, viral sa instagram

Indonesia – Nag-uumapaw sa Doraemon-related items ang bahay ng isang Indonesian family na biggest fan ng naturang Japanese manga and anime character.

Kahit may dalawa nang anak, hindi naalis kina Reghina Karwur at kanyang mister ang pagkahilig kay Doraemon.

Mula pintuan ng kanilang Doraemon-themed home, puro stickers na ni Doraemon at pagpasok sa loob ng bahay, halos lahat ng gamit ay may disenyo ng time-travelling robotic cat!


Halos mamana na nga raw ng kanilang mga anak ang obsession nilang mag-asawa kay Doraemon kaya pati kobre kama, kumot at punda ng unan nila, Doraemon designs din!

Ibinabahagi rin ni Reghina sa kanyang instagram account ang larawan ng kanilang Doraemon-themed home at collection of memorabilia kung saan humakot siya ng 40,000 follower na mga kapwa fan din ng Doraemon.

Facebook Comments