TRENDING | Buzzer-beater play!

Amerika – Dumagundong sa saya ang hardcourt ng Evanston Township High School matapos ang ginawang buzzer-beater shot ng isang freshman student sa kanilang basketball league sa Illinois.

Sa ibinahaging video ng coach na si Mike Ellis, makikita ang malakas na pagtira ni Blake Peters ng bola na may layong 80 feet hanggang sa ring ng kabilang court!

Ang tinagurian ngayong “Shot of a Lifetime” ni Peters ang siyang nagpanalo sa kanilang team sa dikit na 45-44 final score.


Halos dumugin siya ng kanyang mga teammate at kaklase matapos ang nakamamanghang tira.

Sabi ni Peters, maging siya ay nagulat at hindi makapaniwala sa nangyari.

Ito na raw ang isa sa pinakamasayang sandali ng buhay niya.

Facebook Comments