TRENDING! | Ethel Booba, usap-usapan sa social media dahil sa birong Koreano na si Gat Jose Rizal

Manila, Philippines – Muli na namang umingay ang pangalan ngayon ng sexy comedian na si Ethel Booba.

Ito ay matapos niyang bigyang linaw kung bakit ang mga asignaturang Filipino at panitikan ay tatanggalin na sa kolehiyo habang ang lenguwaheng Koreano ay ituturo na sa mga pampublikong paaralan.

Pagbibirong sinabi ni Ethel, kaya aalisin ang Filipino at panitikan bilang asignatura sa kolehiyo ay dahil Koreano ang totoong nasyonalidad ng pambansang bayani ng Pilipinas, si Gat Jose Rizal.


Umani ng kaliwa’t kanang reaksyon ang tweet ni booba kung saan sinabi ng isang netizen na “colony narin pala ang Pilipinas ng Korea? at probinsya na ang bansa ng China.

Ang biro ni Booba ay kasunod ng kamakailang pahayag ng Commission on Higher Education na hinihintay na lamang nila ang pinal na desisyon ng Supreme Court bago ipatupad ng 2013 memorandum order na nag-aalis sa Filipino, panitikan, at constitution bilang pangangailangan sa general education subjects sa kolehiyo.

Kasunod na rin ito ng inilabas ng Department of Education (DepEd) ang listahan ng mga pampublikong paaran sa Maynila kung saan ituturo ang Korean language.

Facebook Comments