TRENDING | Galon ng Ice cream na binili sa supermarket, frozen spaghetti ang laman

San Fernando, Pampanga – Na-wow mali ang isang ginang sa nabili niyang ice cream sa isang supermarket sa San Fernando, Pampanga.

Sa Facebook post ni Nikki Calalang, makikita ang mga larawan ng isang galon ng ice cream na sa halip ice cream, aba ay frozen spaghetti pala ang laman!

Pero sa halip na madismaya, natanggal pa ang kanilang stress dahil sa nakakatawa at mala-epic fail na pangyayari.


Nag-sorry naman daw ang pamunuan ng supermarket at pinalitan ng totoong ice cream ang nabili nilang frozen spaghetti.

Sa ngayon, umabot na halos 18,000 shares at mahigit 50,000 likes ang naturang FB post.

Facebook Comments