Hollywood – Kaniya-kaniyang reaksyon ngayon ang mga netizens sa picture na ipinost ni Justin Bieber kung saan kasama niya ang fiancée na si Hailey Baldwin habang nasa bath tub.
Dahil dito, tila pinagpipiyestahan sa internet ang naturang larawan, at makikita na nakakandong paharap si Hailey kay Justin habang sila ay naghahalikan.
Binansagan pa ng mga netizens na “hot tub make out session,” at ang ilan ay sinasabing na ito raw ay engagement photoshoot ng soon to be husband and wife.
Ilang oras matapos pag-usapan sa internet, agad din naman binura ni Bieber ang kontrobersyal na larawan.
Facebook Comments