TRENDING | Isang lalaki sa UK, usap-usapan ngayon matapos maging bakla makaraang uminom ng pain killers

United Kingdom – Trending ngayon ang isang lalaki sa United Kingdom matapos itong maging laman ng balita dahil sa naging bakla daw ito makaraang uminom ng pain killers.

Nabatid kasi na nawalan daw ng gana ang 23-anyos na si Scott Purdy sa mga babae matapos siyang uminom ng gamot na “Lyrica” para matanggal ang sakit nito sa katawan.

Sa halip, mas nagkaroon daw siya ng kagustuhan at attraction sa mga lalaki kaya at hinala niya na tuluyan na daw siyang naging bakla dahil sa nasabing gamot.


Sa katunayan, nakipaghiwalay siya sa kaniyang longtime girlfriend para lamang maghanap ng lover na lalaki.

Wala pa naman paliwanag ang pharma company na lumikha nito at wala din daw silang balak na imbestigahan ang kaso ni Purdy.

Facebook Comments