TRENDING | Isang tsani na may kakaibang design, click na click ngayon sa Japan

Japan – Click na click ngayon sa Japan ang isang tweezers o tsani na may kakaibang design.

Ang nasabing tsani na mas kilala sa tawag na “Tweezers of Legend” ay mala unique na espada ang design kung saan gawa ito sa solid titanium.

Maari mo daw itong ma-order via kick starter online sa halagang $36.00 (P1,875.00) kasama na dito ang sarili nitong special case at detachable key ring para madala mo ito kahit saan.


Ayon sa manufaturer nito na Waqwaq, sigurado daw na ma-e-enjoy muna ang pagbubunot ng buhok sa kilay, ilong, kili-kili at tenga maging sa balbas at bigote kapag nagamit ang kanilang tweezers of legend.

Facebook Comments