TRENDING | Jameson Blake, na-bash dahil sa kanyang twitter post

Manila, Philippines – Kaliwa’t kanang pamba-bash online ang natanggap ng hashtag member na si Jameson Blake kasunod ng naging post nito sa twitter.

Sa naturang post, nanghingi ng tulong mula sa graphic designer si Jameson para igawa siya ng cover banner at ang pinakamaganda ay bibigyan niya ng shoutout.

Nagtaray ang ilang netizens at sinabing bayad at hindi “shoutout” ang dapat na kapalit ng paggawa ng isang output dahil oras, effort at talento ang inilalaan ng mga graphic designer sa paggawa nito.


Dumipensa naman ang dancer/actor at sinabing simpleng graphic art lang naman ang hinihiling niya.

Dahil dito, ilang netizen ang napag-tripang gawin ang pabor ni Jameson pero sa “sarcastic” na pamamaraan.

Sa huli, nag-sorry si Jameson sa lahat ng kanyang na-offend.

Hindi rin daw niya intensyon na maliitin ang propesyon ng mga graphic designer.

Facebook Comments