TRENDING | Kakaibang laro ng basketball ng LGBT community sa Ormoc City, viral

Leyte – Viral ngayon sa social media ang video ng makulit pero masayang laro ng basketball ng mga miyembro ng LGBT community sa Ormoc City, Leyte.

Bukod kasi sa malalambot na kilos ng mga manlalaro, agaw-atensyon ang pag-akyat ng player na si Cesar Magallanes o alyas “Maria Cassandra Yolanda” sa ibabaw ng ring para madaling maka-puntos ang kanilang team.

Aniya, kung hindi dahil sa ginawa niya ay baka talo na raw sila.


Ginaya naman ito ng kanilang kalaban na tingin nila ay okey lang dahil wala naman daw kasing ibinigay na mechanics sa kanila.

Biro pa ng isang player, akala nila ay bibigyan na sila ng tour guide dahil puro “travelling” ang tawag sa kanila ng referee.

Ang liga ay katuwaan lang naman daw bilang bahagi ng unang anibersaryo ng LGBT community sa Ormoc.

Sa ngayon, humakot na ng mahigit 2 million views at 42,000 shares ang nakakatuwang video.

Facebook Comments